Money Mix: Managing Multiple Income Streams

Blog Written by: Global CreditPros

Managing Multiple Income Streams

Nowadays, hindi na sapat na iisa lang ang source of income ng pamilyang Pilipino. Buti na lang, likas na maparaan ang mga Pinoy; kayang-kaya nilang magparami at magpalaki ng kanilang income stream. Maaaring it’s easier said than done ngunit dala na rin ng pangangailangan ang mag-pu-push sa isang tao para mag-diversify ng pagkukunan ng pera.

 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “pag-di-diversify o pagpaparami source of income”?

Ito ang paghahanap or pag-gawa ng iba’t-ibang pagmumulan ng income (pera) para mapunan at ma-sustain ang iyong mga pangangailangan. A good example ay ang mga tinatawag na side hustles (like on-line jobs) at passive income sources (like investments).

 

Bakit Kailangan Mag-Diversify Ng Pagkukunan ng Pera?

 

  1. Financial Security: Importante ang pagkakaroon ng safety net when it comes to income sources. Hindi kasi ma-pre-predict ang pwedeng mangyari sa iba’t-ibang income sources. Halimbawa, pwedeng malugi or humina ang kita ng iyong tindahan that is considered as your primary source of income. Kung ikaw ay may ibang channels or sources katulad ng online jobs at investments na nag-ge-generate ng pera, you will still have means to provide for your and your family’s needs.
  2. Growth and Opportunity: Nabangit ng ilang beses ang online jobs. Ito ang isa sa mga maraming halimbawa ng growth and opportunity na sinasabi. Ang pagkakaroon ng multiple incomes sources will force you to expand your skill set and knowledge on the product or service that’s being provided. Halimbawa, sa online job kung saan ikaw ay na-hire, kinakailangan mong undergo ng training for a certain time para malamang ang pasikot-sikot ng business ng iyong client. Maaaring i-train ka nila sa panibagong application na hindi mo pa nagagamit. Maaari ka ding makapulot ng skills na pwede mong i-apply sa pangsariling mong business.
  3.  Flexibility: Kapag ikaw ay maraming channels/sources ng income, maaari kang makapili kung alin sa kanila ang mas mainam na pag-tutuunan ng pansin. Ibig sabihin, pwede mo i-focus ang majority ng iyong oras at effort sa income source na maganda ang returns. Halimbawa, dahil nakakuha ka na ng client sa online job mo, mas marami ka pang pwedeng kunin na client as long as kaya mo. Mas maraming client, mas malaki na kita.
  4. Legacy Building: Mas matatag ang magiging foundation ng kinabukasan ng iyong pamilya dahil sa diversified income sources. Halimbawa, maaaring lumaki ang inyong family business dahil sa multiple sources of income na pwedeng pagkunan ng kapital at paiikutin na pera.

 

How To Effectively Manage Income

 

  1. Budgeting: Simulan sa pag-identify kung anu-ano at saan nang-gagaling ang mga income sources at ang mga gastos. Makakatulong ang organizing and itemizing what’s going in and out of your family’s savings or income.
  2. Itemize Your “Needs” and “Wants”: Self-explanatory na dapat ito. Always prioritize kung ano ang mga pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya over mga non-essentials. Ang non-essentials (or wants) are things that you can do without (kadalasan, ito ang mga tinatawag na “luho”). Unahin mo dapat ang pagbili at pagbayad sa mga needs katulad ng pagkain, utilities, renta, at utang.
  3. Manage Your Debt: As stated earlier, isa sa mga dapat unahin mo ay ang (pagbabayad ng) utang (debt). You have to set aside a certain portion of your income sa pagbabayad nito. Pag mas mabilis mong mabayaran ang utang mo, mas mabilis mong magagamit or ma-i-invest ang pera mo sa mas importanteng bagay.
  4. Savings: Mag-set ka ng mga financial goals para sa emergency funds at edukasyon (just to name a few). Dapat consistent ka sa pagsasave ng pera sa nga goals na ito.
  5. Maximize Your Income Channels: Nabanggit kanina ang isang halimabawa: online jobs. Let’s take this as an example on how to maximize your income channels. Dahil sa online job na ito, maaari makahanap pa ng ibang clients na may kaparehong ng job description. Maaari din namang meron kang talent or skill set na pwede mong i-monetize katulad ng graphics designing or paggawa ng artwork.

 

Filipino Resourcefulness

 

  1. Bayanihan: Makipag-collaborate ka sa inner circle mo. Maaaring makahanap ka ng employee or investor sa pamilya at kaibigan mo.
  2. Side Hustles: Simply put, ang mga Pinoy ay magaling sa paghahanap ng pagkakakitaan. Pwede kang magsimula ng maliit na business katulad ng pag-titinda sa offline at online platforms. Dito rin papasok muli ang paghahanap ng online jobs katulad ng pagiging virtual assistant.
  3. Expand Your Skill Sets: May mga online resources ka na pwedeng gamitin para makapag-aral ng panibagong skill katulad ng Skillshare at Udemy. Maaari kang mag subscribe sa kanilang plans and you’ll have access to tons of courses across different fields. Kapag nakapag-acquire ka na ng panibagong skill set, maaari mo na itong i-apply sa paghahanap at pagpaparami ng income sources.

 

In conclusion, maraming benefits para sa pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng diverse/multiple income portfolio. Pangunahin na dito ang pagkakaroon ng peace of mind dahil marami kang pagkukunan ng pera para siguraduhin ang inyong financial security. Having a bigger and diverse income source also means na pwede ka na mag-invest sa maraming bagay katulad ng edukasyon, pag-acquire ng assets, at pag-buo ng mga negosyo na pwede mong palaguin. It also empowers you as a breadwinner for your family. Having an organized and diverse income source gives you confidence and provides choices.

Pagkakatandaan lamang na iba-iba ang situation ng bawat Pamilyang Pilipino. Trial and error din ang paghahanap at pagpapalaki ng income sources. Kailangan talagang mag-invest ng time at energy to find the perfect formula for you and your family. Use your resourcefulness and resilience as a Filipino para ma-secure ang inyong financial goals. Remember that you are not alone and that the Bayanihan Spirit lives in all Filipinos.



Share this article!

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn