
Craft Your Dreams: A Guide to Creating a Vision Board
Blog Written by: Global CreditPros
You’ve probably heard about “the law of attraction”. Think of a vision board as the physical manifestation of the goals that you want to attract and achieve. Essentially, ang vision board ay koleksyon ng mga images at objects that are arranged in a way that will help you achieve your goals. Magiging constant source of inspiration ito and it will help you keep yourself on track.
According to Outside The Box, “creating a vision board is more than merely cutting out magazine pictures, putting together beautiful collages, and hoping for the best.” Dagdag pa nila na ang paggawa ng vision board ay isang creative process kung saan maisasalarawan kung paano mo makakamit ang iyong mga hinahangad.
Here’s a step-by-step guide para makagawa ka ng isang vision board.
Step 1: Chart Your Course
Before tapping into your creative side, isipin mo muna ang iba’t-ibang aspeto ng iyong buhay katulad ng career, relationships, finances, travel, atbp. Huwag mong kalimutan na isama ang mga bagay-bagay na pumupukaw sa iyong attention. Pagkatapos ay isipin mo kung ano ang gusto mong makamit sa kada aspeto na iyong ini-lista. Walang goal o pangarap na masyadong maliit or malaki—isama mo lahat ng gusto mong makamit.
Step 2: Gather Your Supplies
Now it’s time to unleash your inner artist! Ito ang mga materyales na kakailanganin:
- A sturdy board (corkboard, foam board, or even a large piece of cardboard)
- Magazines, newspapers, stamps, stickers, or printed images (find high-quality pictures online if preferred)
- Scissors and Cutter
- Glue/Paste
- Markers, pens, or colored pencils (optional)
Please take note na hindi limitado sa mga naka-lista ang mga materyales na pwede mong gamitin. Kung sa tingin mo ay kaya at magandang isama ang ibang bagay, don’t think twice about including it.
Step 3: Find Your Visual Language
Browse and flip through magazines, browse online, and explore your existing photos. Hanapin mo ang mga litrato o images na tugma sa mga pangarap mo. Maaaring picture ito ng dream house mo or yung bansa kung saan gusto mong magbakasyon; o di kaya’y isang quote na naka-alinsunod sa iyong mindset. Maraming mga mabibilhan ng mga stamps at stickers sets na pwedeng mong isama sa iyong design. Ang importante ay pumili ka ng mga elements na magpapaligaya at mag-i-inspire sayo.
Step 4: Design Your Board
This is where the fun begins! Arrange your cut-outs, photos, stickers, stamps, random images, and inspirational quotes on the board. Play with the layout at wag kang matakot na mag-experiment sa design. Maaari kang gumawa ng mga sections para sa different aspects ng buhay mo at pwede naman ding free form ang design/layout.
Step 5: Personalize and Activate
Don’t limit yourself to gluing or pasting images/cut-outs. Gumamit ka din ng mga colored markers or colored pencuils para madagdagan ng detalye ang iyong design. Yung mga maliliit na personalization ang magbibigay ng mas matibay na koneksyon sa pagitan mo at ng iyong mga pangarap.
Step 6: Place it Where You See It
Isabit mo ang iyong vision board kung saan palagi mo itong makikita. Maaaring nakasabit ito sa iyong bedroom wall or nakapatong sa iyong work desk. May ibang tao na ginagawang digital ang kanilang vision board para magamit na wallpaper sa kanilang mga personal computer or mobile phone. Consistent exposure keeps your goals at the forefront of your mind and fuels your motivation.
Tandaan na ang pag-gawa at pagkakaroon ng vision board ay parte ng iyong personal journey. Kung tutuusin, walang tama o mali sa paggawa nito. Just let your creativity flow, have fun with the process, and trust that the universe is going to help you reach your goals and bring your dreams to fruition. Gamitin mo ang iyong vision board bilang isang road map kung saan ang destination ay ang iyong mga pangarap.
Share this article!