Leap Year Checkup: Your New Financial Tradition

Blog Written by: Global CreditPros

Encourage a comprehensive financial review during leap years, covering savings, investments, debts, and overall financial well-being.

Kada apat na taon, na-dadag-dagan ng isang araw ang ating kalendaryo; in particular, sa buwan ng Pebrero. Ito ang tinatawag nating Leap Year. May dagdag daw na swerte ang taong ganito kaya dapat gamitin natin ang magandang energy na ito para gumawa ng isang comprehensive na review ng (ating) finances.

 

Why Leap Year?/Bakit (Sa) Leap Year?

Hindi naman kina-kailangan na tuwing leap year lang tayo mag-asses ng ating finances. Ngunit nagiging symbolic ang pag-kakaroon ng kargdagang isang araw sa taon at ito ang nagiging hudyat para kumawala sa usual routine natin. At magandang gawing habit at palatandaan na kada apat na taon ay magkaroon ng re-evaluation ng ating financial standing.

 

Taking A Financial Leap!

  1. Analyze your saving habits. Na-re-reach mo ba ang mga goals mo when it comes to your savings? Baka it’s time na itaas mo ang iyong contribution sa mga iba’t-ibang short at long term financial goals mo. Ang pag-increase ng perang itinatabi mo para sa mga emergencies, bakasyon, permanenteng bahay, at retirement plan are just a few examples of the financial goals that you may have. You can consider opening a high-yield savings account or you can set up automatic transfers to your savings account.
  2. Ano ang high-yield savings account? Simply put, ito ang mga type ng savings account na may mataas na Annual Percentage Yield (APY). Ito ang tinatawag sa interest na pwedeng kitain ng iyong pera kung ilalagay mo ito sa isang savings account. The higher your APY is, the better. Mainam na aralin mo ang iba’t-ibang types ng accounts na pwede mong buksan sa mga banks sa Pilipinas para malaman mo which is better suited para sa iyong financial goals. 
  3. Ano ang automatic transfers? Most, if not all, banks will allow you to open online profiles na naka-link sa iyong mga bank accounts. Sa trabaho mo, kadalasan, ang company na mismo ang mag-oopen ng isang payroll (bank) account kung saan fino-forward ang iyong monthly salary. Pwede kang mag-open ng isa pang account in the same or different bank which you can set up as your personal savings account. After doing so, pwede mong i-set up ang iyong payroll account na mag automatic transfer ng pera kada buwan sa iyong personal savings account. Pwede mong i-set ang araw sa buwan kung kailan at kung magkano ang i-tra-transfer. TANDAAN: Just because it’s an automated process it doesn’t mean that you won’t constantly and manually check kung tama ang transferred amount at kung natutuloy ba ang pag-transfer. Gawing habit ang madalas na pag-check ng iyong mga bank accounts.
  4. Check your investments. Na-asses mo na ba ang risks ng iyong mga investments (if any)? Go over other investment options para makita mo kung saan pa pwedeng maalagaan at lumaki ang iyong pera. TANDAAN: Lagi mo dapat i-consider ang risk tolerance at time horizon kapag ikaw ay may planong magsimulang mag-invest or if you’re planning to expand your investment portfolio.
  5. Ano ang risk tolerance? Ito ang pag-intindi at pag-handa sa mga risk na katuwang ng iyong pag-iinvest. Ibig sabihin, naiintindiahan mo na pwedeng mangyari ang mga hindi inaasahan na mga risks at kaya mong i-tolerate at tanggapin ito. You have to take into consideration how much of your money you’re willing to invest and lose should the risks you have anticipated occur.
  6. Ano ang time horizon? Ito ang period of time kung kelan mo panghahawakan ang iyong mga investments until kailanganin mo na ang iyong pera na ginamit pang-invest.
  7. Conquer Your Debt. Prioritize paying off your debts this year. Kung meron kang existing na mga utang katulad ng sa credit card, consult your bank kung ano ang maganda at realistic na payment plan para mabayaran mo ang iyong utang. TANDAAN: Huwag uutang or gagamit ng credit card para sa mga bagay na alam mong hindi mo kayang bayaran. And if you find yourself if that position, you must not worry. Harapin mo at wag mong takasan ang iyong responsibilidad.
  8. A good example of this is called balance conversion. May mga banko sa Pilipinas who offer balance conversions for credit card holders who have accumulated debt and are incurring high finance charges. Binibigyan ka na nila ng iba’t-ibang timeframe at mas maliit na interest rate para mabayaran mo na paunti-unti ang iyong utang. Mainam na tumawag sa customer service hotline ng iyong banko para mag-inquire.
  9. Look Ahead. Handa ka ba sa mga pagbabagong pwedeng mangyari kaugnay sa estado ng iyong pang-araw-araw na buhay at trabaho? Siguraduhin mo na meron kang plan b para sa mga hindi inaasahan na mga pangyayari katulad ng kalamidad, pagkawala ng trabaho, atbp.
  10. Celebrate Every Milestone. Huwag kang mag-hesitate na mag-celebrate kada may marating ka sa iyong financial goals; maliit man or malaki. Ang mahalaga ay may natutunan ko sa iyong pagkakamali at pagkukulang. 

 

Tandaan:

  1. Kumuha ng tulong sa mga financial coaches that sincerely care for you.
  2. Huwag mag-hesitate to involve your family sa mga financial discussions para magkaroon kayo ng transparency at magkatuwang ninyong i-a-achieve ang inyong financial goals.
  3. It takes time and effort. Always celebrate all the milestones you have achieved and keep moving forward.

Ngayong leap year, huwag lang tayo magdagdag ng isang araw sa kalendaryo. Take the leap this year by tackling and reviewing your finances to ensure a better future for yourself and your loved ones. Gumawa tayo ng paraan tungo sa pagkakaroon ng financial freedom!

Share this article!

Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn